SERVICE UPDATE
Amin pong ibinabalita, base na rin po sa latest monitoring na aming isinagawa, balik normal na po ang operasyon ng
VILLA SORTEO PUMPING STATION
mula sa naging aberya na siyang nagdulot ng paghina, pagkawala at pagdumi ng tubig sa mga sumusunod na apektadong lugar:
-Villa Sorteo
-Phase 3 ½, Milagrosa
-Phase 4, Milagrosa
Subalit amin din pong ipinapaalala na maaaring bumilang pa ng ilang oras ngayong araw bago bumalik sa dati ang normal na suplay ng tubig lalo na sa mga matataas na lugar katulad ng Phase 4, Milagrosa sapagkat kinakailangan pa po munang makapag build-up ng sapat na pressure para umakyat ang tubig sa lugar.
Kaya’t aming pong pinapaalalahan at hinihikayat ang bawat isa na ugaliing mag-imbak ng tubig upang may magamit na tubig sa mga hindi inaasahan at biglaang pagkawala ng tubig.
Muli, kami po ay humihingi ng paumanhin sa aming konsesyonaryo na lubhang naapetukhan ng aberyang nangyari.
Maraming salamat po sa inyong pasensiya at pag-unawa.
Please share this post at I-follow po ang aming facebook account for more updates!
“Ang tubig ay buhay, gamitin nang buong husay”