Oryentasyon ng Septage Management Program sa Brgy. Cabilang Baybay
Carmona, Cavite – Martes, December 21, 2021, sa ganap na 1:00 PM ay ginanap ang oryentasyon para sa Septage Management Program sa Brgy. Cabilang Baybay. Sa tulong ni Kgg. Brgy. Gaudencio M. Legacion, mga Brgy. Officials at Staff, tayo ay nakapagbigay kaalaman sa mga taga-Brgy. Cabilang Baybay patungkol sa nalalapit na ipatutupad na “Septage Management Program” sa ating bayan ng Carmona. Ito ay dinaluhan ng 64 na katao.
Ang oryentasyon na ito ay isasagawa sa lahat ng barangay sa bayan ng Carmona. Maghintay lamang ng updates mula sa inyong mga barangay para sa schedule ng oryentasyon or post mula sa aming social media account.
Hinihingi ng pamunuan ng CWD ang suporta ng lahat ng mamamayan sa bayan ng Carmona. Maraming salamat po!