Malugod po naming ipinapaalam sa inyo na natapos na po ang rehabilitation ng Milagrosa Homes Pumping Station kung kaya’t asahan nyo po ang mas maayos na daloy ng tubig simula ngayong araw. Subalit patuloy po naming hinihikayat ang mga concessionaires na mag-imbak ng sapat na tubig na maaring gamitin sa emergency.
Pinasasalamatan din po ng CWD ang Carmona Bureau of Fire (BFP) at Brgy. Milagrosa sa pagpapahiram ng kanilang mga fire trucks upang makapag hatid ng tubig sa mga apektadong lugar.
Muli po ay humihingi kami ng paumanhin sa abalang naidulot ng pagkasira ng pumping station. Maraming Salamat po!