Carmona, Cavite – Huwebes, December 23, 2021, ay pinasinayaan ang bagong Pumping Station (Well Drilling) Project ng Carmona Water District sa Brgy. Mabuhay.
Ang inagurasyon ay dinaluhan nina Hon. Vice Mayor Cesar L. Ines Jr., Brgy. Mabuhay Captain Windler M. Restrivera, General Manager Engr. Aniline B. Francia, Board of Director Members, Dir. Adelina M. Diego at Dir. Julia C. Diago, Department Heads at mga kawani ng CWD. Kasama rin natin si Foreman Arsenio, representative mula sa Interactive Drilling Corporation.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng CWD sa walang sawang pagtulong at suporta ng Carmona LGU sa mga proyekto ng CWD sa pangunguna ni Former Congressman, Hon. Mayor Atty. Roy M. Loyola. Pinasasalamatan din ang Interactive Drilling Corporation para sa matagumpay at maayos na pagkakagawa ng Mabuhay Pumping Station.
Asahan pa ang mga susunod na proyekto ng CWD upang mas mapabuti ang serbisyo at supply ng tubig.