cert5
cert4
cert3
cert2
cert1
PlayPause
previous arrow
next arrow

Ngayong araw, March 1, 2022, ay natanggap ng Carmona Water District ang Certificate of Recognition para sa pagkamit sa Maturity Level 2 ng Civil Service Commission Enhanced Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (CSC EPRIME-HRM).

Personal na iniabot ni Director II Maria Theresa R. Poblador ng CSC Cavite Field Office ang Certificate of Recognition para sa Maturity Level 2 ng Recruitment, Selection, and Placement at Performance Management Systems ng Carmona Water District para sa CSC Enhanced PRIME-HRM. Malugod na tinangap ni General Manager Engr. Aniline B. Francia, kasama sina Division Managers Engr. Ma. Nieves C. Mañabo, Engr. Rocelisa G. Maulanin, at HRMO Mr. Carlo Jay C. Manansala, ang sertipiko ng pagkilala sa ngalan ng bumubuo ng HRMPSB at PMT.

Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng CWD sa walang sawang pagsuporta ng Civil Service Commission Regional Office No. 4 sa pangunguna ni Director IV Karin Litz P. Zerna, Director II Maria Theresa R. Poblador at Chief Orchid N. Narvaez-Leonor para sa pagkamit ng pagkilalang ito.

Umasa kayo na lalo pa naming pagbubutihin ang serbisyo publiko para sa aming mga Lingkod Bayani!