Sa aming mga konsesyonaryo na nakararanas ng mahinang supply ng tubig sa Brgy. Bancal, ito po ay sa kadahilanang:
1. Emergency re-pipeline sa ilang parte ng Bancal partikular sa Camias road at Governor’s Drive dahil sa mga leakages.
2. Mahinang Supply ng Tubig mula sa Bancal Pumping Station 2 (sa tabi ng Brgy.Hall Court) dahil na rin sa mga naiipon na buhangin kaugnay na rin po ng leak sa pagitan ng Governor’s Drive at Camias Road subalit dahil ang mga pipeline ay nasa ilalim ng mga kabahayan ay kinakailangan pong magsagawa ng repipeline.
Ang isang Pumping Station ay mahina na ang suplay at naglalabas ng buhangin kung kaya’t kailangan na namin itong tuluyang isara. Inaasahan na ang ang aktibidad na ito ay matatapos ngayong August 27, 2021. Para din po sa inyong kaalaman, bubuksan na po namin ang bagong Water Tank kasabay na rin ng Pipeline Interconnection ngayong August 26, 2021. Inaasahan na mas makakatulong ang mga nasabing proyekto upang mas maayos ang suplay ng tubig sa mga apektadong lugar. Maraming Salamat po sa inyong pang-unawa.