Tapat at Malinis na Serbisyo Publiko.
Sa pangunguna nina General Manager Engr. Aniline B. Francia at mga Board of Directors, kasama ang mga Division Heads at lahat ng mga kawani, ay nakamit ng Carmona Water District ang minimithing “UNQUALIFIED OPINION” mula sa Commission on Audit, na siyang nagsilbing pinakamataas na Audit Rating sa loob ng 26 taong pagbibigay serbisyo publiko.
Ang karangalang ito ang muling nagbigay patunay na ang pagkakaroon ng isang tapat at malinis paglilingkod, ang siyang tunay na prayoridad ng CWD, at makakaasa ang publiko na ito’y patuloy na bibigyang halaga at ipapamalas ng ahensiya.
“At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya”.
-Colosas 3:17