354608123_1639890656474022_5303997554431517085_n
354608123_1639890656474022_5303997554431517085_n
PlayPause
previous arrow
next arrow

Isang pagpupugay ang inihahandog ng Carmona Water District sa dalawang kawani na buong husay na nakapasa sa katatapos lamang na CSC Career Service Examination noong March 26, 2023. Ito ay sina MR. Michael Arevir Torres at MR. Dhodge Banday na naipasa ang exam para sa Sub-Professional Eligibility. Pinatunayan ni Mr. Torres, na hindi hadlang ang mga nakalipas na pagkabigo upang tumigil, bagkos gamitin itong motibasyon upang mapagtagumpayan ang pagpasa sa naturang exam. Ipinakita naman ni Mr. Banday, nagsisilbi bilang isang Job Order sa CWD, na anuman ang iyong estado o posisyon, ay makakamit ang iyong pangarap basta’t ito’y pagsusumikapan.

Taos-pusong pasasalamat ang ating ipinaaabot sa minamahal na General Manager Aniline B. Francia, sa kanyang pangunguna sa ating isinagawang Civil Service Examination Review mula February 1 to March 24, 2023. Gayundin sa suporta ng mga Division Managers na sina Mr. Joemar G. Cunanan, Admin/Finance, Engr. Rocelisa G. Maulanin, Commercial Services, at Engr. Ma. Nieves C. Mañabo, Engineering and Operations. Isang pagpupuri rin ang ating ipinaabot kina Mr. Carlo Jay C. Manasala, Mr. Philip Angelo G. Cardaño at Mr. Lambert T. Hipanao bilang mga facilitators at lecturers, kasama si Engr. Mañabo sa nasabing CSE Review. Mayroon man mga hindi pinalad na makapasa ay hindi rito nagtatapos ang ating hangarin na ang lahat ng Lingkod Bayani sa ating ahensya, ay magkaroon ng elibility para sa kanilang mga karera.

Muli, ating binabati sina Mr. TORRES AT MR. BANDAY!