
CONGRATULATIONS TO ALL CWD EMPLOYEES WHO PASSED THE CIVIL SERVICE EXAM!
Carmona, Cavite – March 13, 2022, “Lahat ng bagay na sama-samang inaasam, lalo’t ito ay para sa karamihan, ay tiyak na makakamtan”.
Isang taos-pusong pagbati mula sa inyong Carmona Water District Family para sa mga PASSERS ng nagdaang Civil Service Examination noong March 13, 2022.
Ito ay sina Cornelio Pacleb at Lambert Hipanao para sa Professional Eligibility. At para naman sa Subprofessional Eligibility, ito ay sina Arlene Mejia Bayugo, Ameil Ver Nolledo, at Laurence Oliver Llacer.
Buong pasasalamat ng CWD sa poong Maykapal para sa blessing na ito para sa mga kawani ng ating ahensya. Kahit na patuloy na nagbibigay serbisyo publiko ang ating mga PASSERS at ang pagrereview para sa examination ay isinisingit na lamang nila sa oras ng kanilang pamamahinga at after office kapag may pasok ay patuloy silang nagpursige para makamtam itong eligibility.
Pinasasalamatan naman natin si Engr. Aniline B. Francia, General Manager, para sa kanyang pangunguna sa Civil Service Examination Review para sa mga kawani ng CWD na nagsimula noon pang June 2021. Ang mga Division Managers naman na sina Joemar G. Cunanan, Admin/Finance Services, Engr. Rocelisa G. Maulanin, Commercial Services, at Engr. Ma. Nieves C. Mañabo, Engineering and Operations, kasama rin si Dr. Ferdinand T. Callueng, Philip Angelo G. Cardaño, at Lambert T. Hipanao, ay pinasasalamatan din para sa kanilang suporta at pagbibigay kaalaman bilang reviewer para sa ating mga kawani.
Mayroon man mga hindi pinalad na makapasa ay hindi rito nagtatapos ang ating hangarin na ang lahat ng Lingkod Bayani sa ating ahensya, sa CWD, ay magkaroon ng elibility para sa kanilang mga karera.
Muli, binabati natin ang mga pumasa!
“Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters” Colossians 3:23 (NIV)