cwdbuilding1
cwdbuilding2
cwdbuilding3
cwdbuilding4
cwdbuilding5
cwdbuilding6
cwdbuilding7
cwdbuilding8
cwdbuilding9
cwdbuilding10
cwdbuilding11
cwdbuilding12
cwdbuilding13
cwdbuilding14
cwdbuilding15
cwdbuilding16
PlayPause
previous arrow
next arrow

Carmona, Cavite – March 8, 2022, Martes, ay isinagawa ang ground breaking ceremony para sa proyekto nang konstruksyon at pagsasaayos ng CWD Office Building. Ito ay upang bigyan ng sapat na lugar ang bawat transaksyon at operasyon ng ahensya upang makapagbigay ng mas maayos pang pag-seserbisyo sa mga konsesyonaryo at sa bayan ng Carmona. Kasabay ring itatayo ang sariling Water Test Laboratory at mas malaking warehouse office.

Ginanap ang nasabing ground breaking ceremony sa mismong opisina ng CWD sa Cityland Subd., Brgy. Mabuhay, Carmona, Cavite upang opsiyal ng simulan ang nasabing proyekto.

Ang ground breaking ceremony ay sinaksihan ng ama ng Bayan ng Carmona, Mayor Atty. Roy M. Loyola, kasama ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Cesar Inez, Jr., bilang pagpapakita ng walang sawang suporta sa mga proyekto ng CWD. Kasama rin natin sa programang iyon ang CWD Board of Directors sa pangunguna ni Vice Chairman, Dir. Patrick A. Doloroso, ang pamunuan ng CWD sa pamamahala ni Engr. Aniline B. Francia, General Manager, kasama ang mga kawani ng CWD, at Engr. Jovie Sardua at Engr. Daisy Sardua mula naman sa Protech Construction and Development Corporation, contractor ng nasabing proyekto.

Ang gagastusin para sa proyekto na ito ay galing sa pondo ng CWD para sa taong 2022. Asahan pa ang mga susunod na proyekto ng CWD para sa ating bayan ng Carmona.