Carmona, Cavite – Kahapon, January 4, 2022, sa ganap na 8:30 AM ay opisyal nang nai-turnover ng Carmona Water District ang proyekto na dalawang (2) unit ng Rain Harvester, kaisa ang Kalinisan Chemicals, Corp., sa Brgy. Milagrosa. Ang nasabing turnover activity ay dinaluhan nina Brgy. Milagrosa Captain Bolivar I. Babila, Brgy. Kagawad Roberto Reyes, CWD General Manager Engr. Aniline B. Francia, Engr. Ma. Nieves C. Mañabo, Engr. Paul Christian S. Mantilla, at Engineering Assistant Khrysstine Bernadette M. Bravo. Kasama rin natin mula naman sa Kalinisan Chemicals, Corp. ang kanilang representative na sina Mr. Roberto Casalla at Mr. Paul Austria.
Ang nasabing Rain Harvester ay kayang mag-imbak ng hanggang 800 liters ng tubig. Ito po ay matatagpuan sa Phase 3 Covered Court at Phase 4 Health Center ng Brgy. Milagrosa. Ang tubig na maiipon ay pwedeng pong magamit sa pagdidilig ng halaman, paglilinis ng kalsada, at iba pa.
Mahigpit lamang pong ipinapaalala na ang tubig po sa ating mga Rain Harvester ay “HINDI” pwedeng inumin o gamitin sa pagluluto.
Asahan pa ang mga susunod na proyekto ng CWD para sa ating bayan ng Carmona.