BOLTED GROUND WATER TANK AT BRGY. BANCAL, CARMONA, CAVITE
Ngayong umaga, September 14, 2021, ay pinasinayaan ang bagong Bolted Ground Water Tank (50,000 gallons) Project ng Carmona Water District sa Brgy. Bancal, Carmona, Cavite.
Ang inagurasyon ng nasabing proyekto ay pinangunahan ng ama ng Bayan ng Carmona, Hon. Mayor Roy M. Loyola, kasama sina Brgy. Bancal Captain Jefferson Levardo, CWD Board of Directors, Dir. Patrick Doloroso at Dir. Bernard Ledesma, CWD General Manager Aniline B. Francia, Mr. Edgar Pantano, na kinatawan ng Reftec Industrial Supply and Services Inc. at mga kawani ng CWD.
Ang water tank ay itinayo para maging suporta sa supply ng tubig sa Brgy. Bancal. Asahan pa ang mga susunod na proyekto ng CWD upang mas mapabuti pa ang serbisyo at supply ng tubig sa buong Carmona.