

Pansamantala pong makararanas ng paghina o pagkawala ng tubig sa may Altarez, Brgy. Maduya sapagkat mayroon pong linya ng CWD ang nasira po ng Omnicon Builders na nakaapekto sa suplay ng tubig.
Patuloy po naming pinapaalalahanan ang mga Contractor na nagsasagawa ng iba’t ibang proyekto dito sa ating bayan na mag-ingat upang wala na pong matamaan na linya na labis na nakakaapekto sa suplay ng tubig at nang sa gayon na rin po maiwasan ang pagkasayang sa natatapon na tubig.
Kasalukuyan na po ang pagsasaayos ng nasirang linya upang maibalik agad sa normal ang suplay ng tubig.

